Sabado, Oktubre 22, 2011

Efficiency

     Maraming mga taong humahapit ng trabaho. Marami din namang natatapos ng mabilis ngunit ang pangit naman ng gawa. At higit sa lahat, marami din ang walang nagagawa.

     Bakit nga ba tayo nag-mamadali? Bakit ba lagi tayong pagala-gala pero may gagawin pa pala tayo? Bakit hindi tayo maging "efficient"? Sobrang daling maging efficient, pero mahirap makamit ang ganitong klaseng ugali. Ang efficient ay isang habit na laging on time ang mga tao, laging progresibo. Kaya ang mga ibang tao sa ating bayan ay hindi umuunlad ay kung baga, kulang sila sa "efficiency", laging late, pangit ang gawa na parang minadali, parang nakalimot, parang walang ginaw buong araw. Para sa akin, kapag nakamit ito ng lahat ng tao, magkakaroon tayo ng isang hakbang patungo sa pag-unlad.

Huwebes, Oktubre 20, 2011

Exam Time!!

     Ang mga Pilipino sa ating henerasyon ay parang takot sa markahang pagsusulit. Ngunit, papel lamang ang nasa harap nila. Pero may isang nakakatakot talaga dito... Ang resulta.

     Madalas tayong makarinig ng studyante na nagsasabing, "Hala, exams na! Pa'no na, hindi ko alam..." Ang mga taong ito para sa akin ay mga tanga dahil hindi pa nila lamang ito nasusubukang i-review. At ang masakit pa dito ay bagsak pa sila sa "subject" ng ating wika(Filipino). Paminsan-minsan nangyayari rin sa akin ito pero sinisikap ko namang mag-aral ng mabuti para dito. 

     Ang aking nais na sabihin dito sa blog na ito ay sana 'wag mawalan ng pag-asa ang mga bata at binatang malapit na sa bagsak na grado dahil laging may pagkakataong umangat at umangat pa lalo. Sana din na magsikap rin sila na mag-aral ng mag-isa at maging "independent" sa ating mga magulang at mga guro.

Linggo, Oktubre 2, 2011

Ang "Jejemon"...

     Mukhang naging kasama sa wika natin ang "Jejemon". Ano ba ang salitang "Jejemon"? Ang Jejemon ay isang uri ng pag-teteks o pagsasalita kung saan kaunti lamang ang nakakaintindi nito (halimbawa, 'powwzz' na ang ibig sabihin ay 'po'). Kung baga, ang ginagawa ng Jejemon ay pinapahaba nito ang isang mensahe o salita imbis na ipaikli ito.

    Ngayon, ang mga Pilipino ay natutwang gumamit ng salitang Jejemon sa pagteks at sa salita na rin. Bakit hindi na lamang natin gamitin ang wikang Filipino? Kapag nagawa natin ito, makikita natin kung gaano ka-progresibo at ka-unlad ang ating sariling wika.